Gusto Ko Lang Naman ng McDo Fries Ehhh...

     Favorite ko talaga ang fries kahit di galing sa McDo... kahit gawa lang ni nanay. Pero nung 4th yr. college ako, habang nagte-thesis, nakasanayan naming doon mag-snack ng ka-group ko, si Delma. Halos naging araw-araw na nga hanggang sa maadik ako sa sarap at amoy nito. Pati sa McFloat :D So yum!!! At dahil nga wala na sa lugar ang paghahanap ko minsan, napagkamalan pa'kong nagliihi ng mga kaibigan ko. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na parang weird na yung pakiramdam ko!

   Dito kami madalas magkita ng bf ko... si Mark, pag may usapan kami lagi s'yang nauunang dumating na sobrang kinatutuwaan ko :) Pag naman minsan, yun ang pasalubong ko sakanya. Minsan pa nga nagmeet kami ni Delma doon... andun din si Mark. Habang umuorder kami nun at paglingon ko may Lolong kausap si Del. Pagdating namin sa table... kinwento n'y yung pinag-usapan nila ni Lolo na kalapit-table lang namin :) pero bago nya kinwento, nakausap muna namin ang Lolo... (Galing daw syang California at nagbabakasyon lang for 2months dito sa Pilipinas. Tinanong nya samin kung saan ang sakayan papuntang SM. Sa California daw, pwede mag-refill ng coke at libre na ang kape't tubig!) Swabe pala dun. Kaya pala nakausap nyapa yung manager ng McDo dahil di daw s'ya binibigyan ng coke nung nagpapa-refill sya. Kasi iba nga naman dito sa'ten!!! :)Lol. dito walang libre libre. Kahit nga refill may bayad, naka-minus lang sa lalagyan. hahaha! 

  So there!... Umalis na si Lolo nung tinuro namin yung sakayan papuntang SM sabay bayad nya ng malaking bill sa cashier. Nung kausap pala ni Delma si Lolo, habang umoorder kami, tinanong daw sya kung magkapatid kami ni Mark. Sabi daw n'ya, "Di po, mag-bf/gf po sila..." Ah... kaya pala ansarap nilang panuorin habang magkausap, at sobrang komportable sila sa isa't isa :)", sagot ni Lolo. 
  
 Na-amazed naman ako sa sinabi ni Lolo! Tapos parang nadagdagan bilga yung "pogi points" ni Mark :D Hahaha! Parang andito yung lovestory ng MOZEA. Dahil kasi sa isang Lolong balik-bayan, nabigyan ng pansin yung simpleng bagay na di ko napapansin.
   
~ ang di alam ni Lolo... nagaasaran kami ni Mark kasi may darating na gig at pareho kaming walang budget na di namin lam kung san kukuha! haha! Pero si Lolo biglang naalala ata yung labs  nya :) hehe. 

   I think he's a little bit sweet Lolo and those simple little things he noticed has big impact for him. 

   That day... it was so sweet to hear from others that they like to see us together :P


Thank you for reading this memorable one :)))
You can also check the link below :D 

No comments:

Post a Comment